Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 14:29-33

MGA KAWIKAAN 14:29-33 ABTAG01

Ang makupad sa galit ay may malaking kaunawaan, ngunit ang madaling magalit ay nagbubunyi ng kahangalan. Ang tiwasay na puso ay nagbibigay-buhay sa laman, ngunit ang pagnanasa, sa mga buto ay kabulukan. Ang umaapi sa dukha ay humahamak sa kanyang Lumalang, ngunit ang mabait sa mahirap, sa kanya'y nagpaparangal. Ang masama ay ibinabagsak dahil sa kanyang gawang kasamaan, ngunit ang matuwid ay may kanlungan dahil sa kanyang katapatan. Ang karunungan ay nananatili sa puso ng may kaunawaan, ngunit nalalaman ang nasa mga puso ng hangal.