Ang pasimula ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos. Ayon sa nasusulat sa Isaias na propeta, “Narito, ipinapadala ko ang aking sugo sa iyong unahan, na maghahanda ng iyong daan; ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang: ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kanyang mga landas,’” si Juan na Tagapagbautismo ay dumating sa ilang at ipinangangaral ang bautismo ng pagsisisi sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Pumupunta sa kanya ang mga tao mula sa buong lupain ng Judea at ang lahat ng mga taga-Jerusalem; at sila'y binabautismuhan niya sa Ilog Jordan, na nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan. Si Juan ay nakadamit ng balahibo ng kamelyo, may sinturong balat sa kanyang baywang, at kumakain ng mga balang at pulot-pukyutan. At siya'y nangangaral, na nagsasabi, “Dumarating na kasunod ko ang higit na makapangyarihan kaysa akin; hindi ako karapat-dapat yumukod at magkalag ng tali ng kanyang mga sandalyas. Binautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit kayo'y babautismuhan niya sa Espiritu Santo.”
Basahin MARCOS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MARCOS 1:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas