Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 28:16-20

MATEO 28:16-20 ABTAG01

Samantala, ang labing-isang alagad ay pumunta sa Galilea, sa bundok na itinuro sa kanila ni Jesus. At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya. Subalit ang ilan ay nag-alinlangan. Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ang lahat ng awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa akin. Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo. At narito, ako'y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon.”

Video for MATEO 28:16-20