Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 24:36-42

LUCAS 24:36-42 ABTAG01

Samantalang kanilang pinag-uusapan ang mga bagay na ito, si Jesus ay tumayo sa gitna nila at sinabi sa kanila, “Sumainyo ang kapayapaan.” Subalit sila'y kinilabutan at natakot at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. Sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo'y natatakot at bakit may pag-aalinlangan sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa, sapagkat ako nga ito. Hipuin ninyo ako, at tingnan, sapagkat ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” [Pagkasabi niya nito ay ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at mga paa.] Samantalang nasa kanilang kagalakan ay hindi pa sila naniniwala at nagtataka, sinabi niya sa kanila, “Mayroon ba kayo ritong anumang makakain?” At kanilang binigyan siya ng isang pirasong inihaw na isda.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa LUCAS 24:36-42