Mayroon ding nakasulat na pamagat sa itaas niya, “Ito'y ang Hari ng mga Judio.” Patuloy siyang pinagtawanan ng isa sa mga kriminal na ipinako, na nagsasabi, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at kami!” Subalit sinaway siya ng isa, at sa kanya'y sinabi, “Hindi ka pa ba natatakot sa Diyos, yamang ikaw ay nasa gayunding hatol ng kaparusahan? Tayo ay nahatulan ng matuwid, sapagkat tinanggap natin ang nararapat na kabayaran sa ating mga gawa. Subalit ang taong ito'y hindi gumawa ng anumang masama.” Sinabi niya, “Jesus, alalahanin mo ako, pagdating mo sa iyong kaharian.” At sumagot siya, “Katotohanang sinasabi ko sa iyo, ngayon ikaw ay makakasama ko sa Paraiso.”
Basahin LUCAS 23
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 23:38-43
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas