Siya'y nanalangin sa isang lugar at nang siya'y makatapos, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, “Panginoon, turuan mo kaming manalangin, gaya ni Juan na nagturo sa kanyang mga alagad.” Sinabi niya sa kanila, “Kapag kayo'y nananalangin, inyong sabihin, ‘Ama, sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Ibigay mo sa amin sa bawat araw ang aming pang-araw-araw na pagkain. At ipatawad mo sa amin ang aming mga kasalanan, sapagkat pinatatawad naman namin ang bawat nagkakautang sa amin, at huwag mo kaming dalhin sa tukso.’”
Basahin LUCAS 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 11:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas