Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay humirang ng pitumpu, at sila'y sinugong dala-dalawa, na una sa kanya sa bawat bayan at dako na kanyang pupuntahan. At sinabi niya sa kanila, “Totoong marami ang aanihin, subalit kakaunti ang mga manggagawa. Kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang aanihin. Humayo kayo, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga asong-gubat.
Basahin LUCAS 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: LUCAS 10:1-3
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas