Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA PANAGHOY 2:15-19

MGA PANAGHOY 2:15-19 ABTAG01

Lahat ng nagdaraan ay ipinapalakpak ang kanilang kamay sa iyo; sila'y nanunuya at iniiling ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem; “Ito ba ang lunsod na tinatawag na kasakdalan ng kagandahan, ang kagalakan ng buong lupa?” Maluwang na ibinuka ng lahat mong mga kaaway ang kanilang bibig: sila'y nanunuya at nagngangalit ang ngipin; kanilang sinasabi, “Nilamon na namin siya! Tunay na ito ang araw na aming hinihintay; ngayo'y natamo na namin ito; nakita na namin.” Ginawa ng PANGINOON ang kanyang ipinasiya; na isinagawa ang kanyang banta na kanyang iniutos nang una; kanyang ibinagsak, at hindi naawa: hinayaan niyang pagkatuwaan ka ng iyong mga kaaway, at itinaas ang kapangyarihan ng iyong mga kalaban. Ang kanilang puso ay dumaraing sa Panginoon! O pader ng anak na babae ng Zion! Padaluyin mo ang mga luha na parang ilog araw at gabi! Huwag kang magpahinga; huwag papagpahingahin ang iyong mga mata. Bumangon ka, sumigaw ka sa gabi, sa pasimula ng mga pagbabantay! Ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harapan ng mukha ng Panginoon! Itaas mo ang iyong mga kamay sa kanya dahil sa buhay ng iyong mga anak na nanghihina sa gutom sa dulo ng bawat lansangan.