Ang salita ng PANGINOON ay dumating kay Jonas sa ikalawang pagkakataon, na nagsasabi, “Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking lunsod na iyon, at ipangaral mo ang pangaral na aking sinabi sa iyo.” Sa gayo'y bumangon si Jonas at pumunta sa Ninive, ayon sa salita ng PANGINOON. Ang Ninive ay isang napakalaking lunsod, na tatlong araw na bagtasin ang luwang. Nagpasimulang pumasok si Jonas sa lunsod na may isang araw na lakarin ang layo. At siya'y sumigaw, “Apatnapung araw pa at ang Ninive ay mawawasak!” At ang mga mamamayan ng Ninive ay sumampalataya sa Diyos. Sila'y nagpahayag ng ayuno, at nagsuot ng damit-sako, mula sa pinakadakila sa kanila hanggang sa pinakahamak sa kanila.
Basahin JONAS 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JONAS 3:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas