At sinabi nila sa kanya, “Anong gagawin namin sa iyo upang ang dagat ay tumahimik sa atin?” Sapagkat ang dagat ay lalong nag-aalimpuyo. Sinabi niya sa kanila, “Buhatin ninyo ako at ihagis ninyo ako sa dagat. Sa gayo'y ang dagat ay tatahimik para sa inyo, sapagkat alam ko na dahil sa akin ay dumating ang malaking unos na ito sa inyo.” Gayunman, ang mga lalaki ay sumagwan ng mabuti upang maibalik ang barko sa lupa, ngunit hindi nila magawa sapagkat ang dagat ay lalo pang nag-aalimpuyo laban sa kanila. Kaya't sila'y tumawag sa PANGINOON, at nagsabi, “Nagmamakaawa kami sa iyo, O PANGINOON, huwag mo kaming ipahamak dahil sa buhay ng lalaking ito. Huwag mong iatang sa amin ang walang salang dugo; sapagkat ginawa mo, O PANGINOON, ang nakakalugod sa iyo.” Kaya't kanilang binuhat si Jonas at inihagis siya sa dagat; at ang dagat ay tumigil sa pagngangalit nito. Nang magkagayo'y lubhang natakot ang mga tao sa PANGINOON; at sila'y naghandog ng isang alay sa PANGINOON at gumawa ng mga panata. At naghanda ang PANGINOON ng isang malaking isda upang lunukin si Jonas; at si Jonas ay nasa tiyan ng isda sa loob ng tatlong araw at tatlong gabi.
Basahin JONAS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: JONAS 1:11-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas