Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JONAS 1:1-6

JONAS 1:1-6 ABTAG01

Ang salita ng PANGINOON ay dumating kay Jonas na anak ni Amitai, na nagsasabi, “Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking lunsod na iyon, at sumigaw ka laban doon; sapagkat ang kanilang kasamaan ay umabot sa harapan ko.” Ngunit si Jonas ay bumangon upang tumakas patungo sa Tarsis mula sa harapan ng PANGINOON. Siya'y lumusong sa Joppa at nakatagpo ng barkong patungo sa Tarsis. Nagbayad siya ng pamasahe at lumulan upang sumama sa kanila sa Tarsis papalayo sa harapan ng PANGINOON. Ngunit ang PANGINOON ay naghagis ng malakas na hangin sa dagat, at nagkaroon ng malakas na unos sa dagat, anupa't ang barko ay nagbantang mawasak. Nang magkagayo'y natakot ang mga magdaragat at tumawag ang bawat isa sa kanya-kanyang diyos; at kanilang inihagis sa dagat ang mga dala-dalahang nasa sasakyan upang makapagpagaan sa kanila. Samantala, si Jonas ay nasa ibaba sa pinakaloob na bahagi ng barko na doon ay nakahiga siya at nakatulog nang mahimbing. Sa gayo'y dumating ang kapitan at sinabi sa kanya, “Ano ang ibig mong sabihin, at natutulog ka pa? Bumangon ka, tumawag ka sa iyong diyos! Baka sakaling alalahanin tayo ng diyos upang huwag tayong mamatay.”