Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JUAN 1:35-41

JUAN 1:35-41 ABTAG01

Kinabukasan, muling naroon si Juan kasama ng dalawa sa kanyang mga alagad. At kanyang tiningnan si Jesus samantalang siya'y naglalakad at sinabi, “Narito ang Kordero ng Diyos!” Narinig siya ng dalawang alagad na nagsalita nito, at sila'y sumunod kay Jesus. Paglingon ni Jesus at nakita silang sumusunod ay sinabi niya sa kanila, “Ano ang inyong hinahanap?” At sinabi nila sa kanya, “Rabi (na kung isasalin ang kahulugan ay Guro), saan ka nakatira?” Sinabi niya sa kanila, “Halikayo at tingnan ninyo.” Pumunta nga sila at nakita kung saan siya nakatira; at sila'y nanatiling kasama niya nang araw na iyon. Noon ang oras ay mag-iikasampu. Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan, at sumunod sa kanya, ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. Una niyang natagpuan ang kanyang kapatid na si Simon, at sa kanya'y sinabi, “Natagpuan na namin ang Mesiyas”—na kung isasalin ay Cristo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa JUAN 1:35-41