Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JEREMIAS 23:23-32

JEREMIAS 23:23-32 ABTAG01

“Ako ba'y Diyos lamang sa malapit at hindi sa malayo? sabi ng PANGINOON. Makapagtatago ba ang isang tao sa mga lihim na dako upang hindi ko siya makita? sabi ng PANGINOON. Hindi ba pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng PANGINOON. Narinig ko kung ano ang sinabi ng mga propeta na nagpahayag ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nagsasabi, ‘Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip!’ Hanggang kailan magkakaroon ng kasinungalingan sa puso ng mga propeta na nagpapahayag ng mga kasinungalingan at ng daya ng kanilang sariling puso, na nag-aakalang ipalilimot sa aking bayan ang aking pangalan sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip na sinasabi nila sa isa't isa, gaya ng kanilang mga ninuno na lumimot sa aking pangalan dahil kay Baal? Hayaang ang propeta na may panaginip ay isalaysay ang panaginip; ngunit siya na may taglay ng aking salita ay bigkasin niya ang aking salita na may katapatan. Anong pagkakahawig mayroon ang dayami sa trigo? sabi ng PANGINOON. Hindi ba ang aking salita ay parang apoy at parang maso na dumudurog ng bato? sabi ng PANGINOON. Kaya't ako'y laban sa mga propeta na ninanakaw ang aking mga salita sa kanyang kapwa, sabi ng PANGINOON. Ako'y laban sa mga propeta, sabi ng PANGINOON, na ginagamit ang kanilang mga dila at nagsasabi, ‘Sinasabi ng PANGINOON.' Ako'y laban sa kanila na ang propesiya ay mga sinungaling na panaginip na nagsasalaysay ng mga iyon, at inililigaw ang aking bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan at kawalang-ingat, gayong hindi ko sila sinugo, o inatasan man sila. Kaya't wala silang anumang pakinabang na dulot sa bayang ito, sabi ng PANGINOON.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa JEREMIAS 23:23-32