Ang anghel ng PANGINOON ay dumating at umupo sa ilalim ng ensina na nasa Ofra, na pag-aari ni Joas na Abiezerita, habang ang kanyang anak na si Gideon ay gumigiik ng trigo sa ubasan, upang itago ito sa mga Midianita. Nagpakita ang anghel ng PANGINOON sa kanya, at sinabi sa kanya, “Ang PANGINOON ay sumasaiyo, ikaw na magiting na mandirigma.” Sinabi ni Gideon sa kanya, “Subalit ginoo, kung ang PANGINOON ay kasama namin, bakit ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? Nasaan ang lahat ng kanyang kamangha-manghang gawa na isinaysay sa amin ng aming mga ninuno, na sinasabi, ‘Hindi ba tayo iniahon ng PANGINOON mula sa Ehipto?’ Ngunit ngayo'y itinakuwil kami ng PANGINOON at ibinigay kami sa kamay ng Midian.” At bumaling sa kanya ang PANGINOON, at sinabi, “Humayo ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Midian. Hindi ba kita isinusugo?”
Basahin MGA HUKOM 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA HUKOM 6:11-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas