Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 14:12-15

ISAIAS 14:12-15 ABTAG01

“Ano't nahulog ka mula sa langit, O Tala sa Umaga, anak ng Umaga! Paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpabagsak sa mga bansa! Sinabi mo sa iyong puso, ‘Ako'y aakyat sa langit; sa itaas ng mga bituin ng Diyos aking itatatag ang aking trono sa itaas; ako'y uupo sa bundok na pinagtitipunan, sa malayong hilaga. Ako'y aakyat sa itaas ng mga kaitaasan ng mga ulap, gagawin ko ang aking sarili na gaya ng Kataas-taasan.’ Gayunma'y ibinaba ka sa Sheol, sa mga pinakamalalim na bahagi ng Hukay.