Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ISAIAS 1:12-18

ISAIAS 1:12-18 ABTAG01

“Nang kayo'y dumating upang tingnan ang aking mukha, sinong humiling nito mula sa inyong kamay na inyong yurakan ang aking mga bulwagan? Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; ang insenso ay karumaldumal sa akin. Ang bagong buwan, ang Sabbath, at ang pagtawag ng mga kapulungan— hindi ko na matiis ang kasamaan at ang banal na pagpupulong. Ang aking kaluluwa ay namumuhi sa inyong mga bagong buwan at sa inyong mga takdang kapistahan, ang mga iyan ay pasanin para sa akin. Ako'y pagod na sa pagpapasan ng mga iyan. Kapag inyong iniunat ang inyong mga kamay, ikukubli ko ang aking mga mata sa inyo; kahit na marami ang inyong panalangin, hindi ako makikinig; ang inyong mga kamay ay punô ng dugo. Maghugas kayo ng inyong sarili, maglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa aking paningin; tumigil kayo sa paggawa ng kasamaan, matuto kayong gumawa ng mabuti; inyong hanapin ang katarungan, inyong ituwid ang paniniil; inyong ipagtanggol ang mga ulila, ipaglaban ninyo ang babaing balo. “Pumarito kayo ngayon, at tayo'y mangatuwiran sa isa't isa, sabi ng PANGINOON: bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula, ang mga ito'y magiging mapuputi na parang niyebe; bagaman ito'y mapulang-mapula, ang mga ito'y magiging parang balahibo ng tupa.