Noon ay dinala si Jose sa Ehipto, at binili siya ni Potifar sa mga Ismaelita na nagdala sa kanya roon. Si Potifar ay pinuno ni Faraon, na kapitan ng bantay at isang taga-Ehipto. Ang PANGINOON ay naging kasama ni Jose, at siya'y naging lalaking maunlad. Siya'y nasa bahay ng kanyang among taga-Ehipto. Nakita ng kanyang amo na ang PANGINOON ay kasama niya, at ang lahat ng ginagawa ni Jose ay umuunlad sa kanyang kamay. Kaya't nakatagpo si Jose ng biyaya sa paningin niya at ginawa niyang kanyang katulong. Ipinamahala niya kay Jose ang bahay niya at ang lahat niyang pag-aari ay inilagay sa kanyang pangangasiwa. Mula nang panahon na si Jose ay pamahalain sa kanyang bahay at sa lahat ng kanyang pag-aari, pinagpala ng PANGINOON ang bahay ng taga-Ehipto. Ang pagpapala ng PANGINOON ay dumating sa lahat ng kanyang pag-aari, sa bahay at sa parang. Kaya't ipinamahala niya ang lahat niyang pag-aari sa kamay ni Jose, at hindi siya nakikialam sa anumang bagay maliban sa tinapay na kanyang kinakain. Si Jose ay matipuno at makisig na lalaki.
Basahin GENESIS 39
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 39:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas