Tinanong siya ng mga taong taga-roon tungkol sa kanyang asawa, at sinabi niya, “Siya'y aking kapatid;” sapagkat takot siyang sabihin na, “Siya'y aking asawa.” Inakala niya na “baka ako'y patayin ng mga taong taga-rito, dahil kay Rebecca; dahil sa siya'y may magandang anyo.” Nang siya'y matagal nang naroroon, dumungaw si Abimelec na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at nakita si Isaac na hinahaplos si Rebecca na kanyang asawa. Kaya't tinawag ni Abimelec si Isaac at sa kanya'y sinabi, “Asawa mo pala siya! Bakit sinabi mong, ‘Siya'y aking kapatid’?” Sumagot sa kanya si Isaac, “Sapagkat inakala kong baka ako'y mamatay dahil sa kanya.”
Basahin GENESIS 26
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: GENESIS 26:7-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas