Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 27:20-21

EXODO 27:20-21 ABTAG01

“Iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila'y magdala sa iyo ng dalisay na langis ng binayong olibo para sa ilawan, upang ang ilawan ay palaging may sindi. Sa toldang tipanan, sa labas ng tabing na nasa harap ng kaban ng patotoo ay aayusin iyon ni Aaron at ng kanyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harapan ng PANGINOON. Ito ay magiging batas sa buong panahon ng kanilang mga salinlahi sa mga anak ni Israel.