Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EXODO 2:21-25

EXODO 2:21-25 ABTAG01

Si Moises ay nasiyahang makitira sa lalaking iyon at kanyang ibinigay kay Moises si Zifora na kanyang anak na babae. Nanganak siya ng isang lalaki at kanyang pinangalanang Gershom sapagkat sinabi ni Moises, “Ako'y manlalakbay sa ibang lupain.” Pagkaraan ng maraming araw, ang hari ng Ehipto ay namatay. Ang bayang Israel ay dumaing dahil sa pagkaalipin at sila'y humingi ng tulong. Ang kanilang daing dahil sa pagkaalipin ay nakarating sa Diyos. Narinig ng Diyos ang kanilang daing at naalala ng Diyos ang kanyang tipan kina Abraham, Isaac, at Jacob. At tiningnan ng Diyos ang mga anak ni Israel at nalaman ng Diyos ang kanilang kalagayan.