Tinuruan ko kayo ng mga tuntunin at ng mga batas, na gaya ng iniutos sa akin ng PANGINOON kong Diyos upang inyong gawin sa gitna ng lupain na inyong paroroonan upang angkinin. Tuparin ninyo at inyong gawin, sapagkat ito ang inyong magiging karunungan at kaalaman sa paningin ng mga tao na makakarinig ng mga tuntuning ito, at magsasabi, ‘Tunay na ang dakilang bansang ito ay matalino at may pagkaunawa.’ Sapagkat aling dakilang bansa ang may Diyos na napakalapit sa kanila, na gaya ng PANGINOON nating Diyos tuwing tumatawag tayo sa kanya? At aling dakilang bansa ang may mga tuntunin at mga batas na napakatuwid na gaya ng buong kautusang ito na aking inilagay sa harapan ninyo sa araw na ito?
Basahin DEUTERONOMIO 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: DEUTERONOMIO 4:5-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas