Tungkol sa sampung sungay, mula sa kahariang ito ay babangon ang sampung hari, at may isa pang babangong kasunod nila. Siya'y magiging kaiba kaysa mga nauna, at kanyang ibabagsak ang tatlong hari. At siya'y magsasalita laban sa Kataas-taasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataas-taasan; at kanyang iisiping baguhin ang mga panahon at ang kautusan; at sila'y ibibigay sa kanyang kamay hanggang sa isang panahon, mga panahon at kalahati ng isang panahon. Pagkatapos nito, ang hukuman ay uupo sa paghatol, at ang kanyang kapangyarihan ay aalisin, upang mapuksa at ganap na mawasak. At ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, ay ibibigay sa bayan ng mga banal ng Kataas-taasan. Ang kanyang kaharian ay magiging walang hanggang kaharian, at ang lahat ng kapangyarihan ay maglilingkod at susunod sa kanya.’ “Dito nagwakas ang pahayag. Tungkol sa akin, akong si Daniel, ay lubhang binabagabag ng aking pag-iisip, at ang aking mukha ay namutla; ngunit iningatan ko ang bagay na ito sa aking isipan.”
Basahin DANIEL 7
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: DANIEL 7:24-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas