Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

AMOS 5:18-24

AMOS 5:18-24 ABTAG01

Kahabag-habag kayong nagnanais ng araw ng PANGINOON! Sa anong layunin ang araw ng PANGINOON sa inyo? Iyon ay kadiliman at hindi kaliwanagan, gaya ng isang tao na tumakas sa leon, at sinalubong siya ng oso, o pumasok sa bahay at ikinapit ang kanyang kamay sa dingding, at isang ahas ang tumuka sa kanya. Hindi ba kadiliman ang araw ng PANGINOON, at hindi kaliwanagan, at kadiliman na walang ningning doon? “Aking kinapopootan, aking hinahamak ang inyong mga kapistahan, at hindi ako malulugod sa inyong mga takdang pagtitipon. Bagaman inyong inihahandog sa akin ang inyong mga handog na sinusunog at mga handog na butil, hindi ko iyon tatanggapin; ni akin mang pagmamasdan ang mga handog pangkapayapaan ng inyong mga pinatabang hayop. Ilayo mo sa akin ang ingay ng iyong mga awit; hindi ako makikinig sa himig ng iyong mga alpa. Kundi paagusin ninyo ang katarungan na parang tubig, at ang katuwiran na parang batis na patuloy na umaagos.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa AMOS 5:18-24