Pagkatapos na sila'y mapalaya, pumunta sila sa kanilang mga kasamahan at iniulat ang lahat ng sinabi sa kanila ng mga punong pari at ng matatanda. Nang ito'y kanilang marinig, sama-sama silang nagtaas ng kanilang tinig sa Diyos, at nagsabi, “O Panginoon na gumawa ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon, ikaw na nagsabi sa pamamagitan ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ng aming amang si David, na iyong lingkod, ‘Bakit nagalit ang mga Hentil, at nagbabalak ang mga tao ng mga bagay na walang kabuluhan? Ang mga hari sa lupa ay naghanda upang lumaban, at ang mga pinuno ay nagtipon, laban sa Panginoon, at laban sa kanyang Cristo.’ Sapagkat sa katotohanan, sa lunsod na ito, sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ng mga Hentil at ng bayan ng Israel, ay nagsama-sama laban sa iyong banal na Lingkod na si Jesus, na iyong pinahiran, upang gawin ang anumang itinakda ng iyong kamay at ng iyong pasiya na mangyayari.
Basahin MGA GAWA 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA GAWA 4:23-28
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas