Kaya't ikaw, anak ko, maging malakas ka sa biyayang na kay Cristo Jesus, at ang mga bagay na iyong narinig sa akin sa harap ng maraming saksi ay siya mo ring ipagkatiwala sa mga taong tapat na makakapagturo rin naman sa iba. Makipagtiis ka ng mga kahirapan, gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus. Walang kawal na naglilingkod ang nakikisangkot sa mga bagay ng buhay na ito, yamang ang kanyang mithiin ay bigyang-kasiyahan ang nagtala sa kanya. Sinumang manlalaro ay hindi pinuputungan malibang nakipagpaligsahan siya ayon sa mga alituntunin. Ang magsasaka na nagpapakapagod ay siyang unang dapat na magkaroon ng bahagi sa mga bunga. Isipin mo ang sinasabi ko, sapagkat bibigyan ka ng Panginoon ng pagkaunawa sa lahat ng mga bagay. Alalahanin mo si Jesu-Cristo na muling binuhay mula sa mga patay, mula sa binhi ni David, ayon sa aking ebanghelyo, na dahil sa kanya ay nagtitiis ako ng kahirapan, maging hanggang sa pagkakaroon ng tanikala na tulad sa isang masamang tao. Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nagagapos. Kaya aking tinitiis ang lahat ng mga bagay dahil sa mga hinirang, upang kamtan din nila ang kaligtasan kay Cristo Jesus na may kaluwalhatiang walang hanggan. Tapat ang salita: Kung tayo'y namatay na kasama niya, mabubuhay rin tayong kasama niya; kung tayo'y magtitiis, maghahari naman tayong kasama niya; kung ating ikakaila siya, ay ikakaila rin niya tayo; kung tayo'y hindi tapat, siya'y nananatiling tapat; sapagkat hindi niya maipagkakaila ang kanyang sarili.
Basahin 2 TIMOTEO 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 TIMOTEO 2:1-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas