Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA HARI 6:15-17

II MGA HARI 6:15-17 ABTAG01

Kinaumagahan, nang ang lingkod ng tao ng Diyos ay bumangong maaga at lumabas, isang hukbo na may mga kabayo at mga karwahe ang nakapaligid sa bayan. At sinabi ng kanyang lingkod, “Kahabag-habag tayo, panginoon ko! Paano ang ating gagawin?” At siya'y sumagot, “Huwag kang matakot, sapagkat ang mga kasama natin ay higit kaysa mga kasama nila.” Si Eliseo ay nanalangin, at nagsabi, “Idinadalangin ko sa iyo, PANGINOON, na buksan mo ang kanyang mga mata upang siya'y makakita.” At binuksan ng PANGINOON ang mga mata ng binata, at siya'y nakakita. Ang bundok ay punô ng mga kabayo at ng mga karwahe ng apoy sa palibot ni Eliseo.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa II MGA HARI 6:15-17