Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA TAGA CORINTO 11:23-28

II MGA TAGA CORINTO 11:23-28 ABTAG01

Sila ba'y mga ministro ni Cristo? (Ako'y nagsasalita na parang isang baliw.) Lalo pa ako na mas maraming pagpapagal, mas maraming pagkabilanggo, ng di mabilang na bugbog, at malimit na mabingit sa kamatayan. Sa mga Judio ay limang ulit akong tumanggap ng apatnapung hagupit, kulang ng isa. Tatlong ulit na ako'y hinampas ng mga pamalo, minsan ako'y pinagbabato. Tatlong ulit na akong nawasakan ng barko, isang araw at isang gabing ako'y nasa laot; nasa madalas na paglalakbay, nasa panganib sa mga ilog, panganib sa mga magnanakaw, panganib sa aking mga kababayan, panganib sa mga Hentil, panganib sa lunsod, panganib sa mga ilang, panganib sa dagat, panganib kasama ng mga huwad na kapatid; sa pagpapagal at hirap, sa mga pagpupuyat, sa gutom at uhaw, madalas na walang pagkain, giniginaw at hubad. Bukod sa mga bagay na nasa labas, ako'y araw-araw na nabibigatan sa alalahanin para sa mga iglesya.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa II MGA TAGA CORINTO 11:23-28