Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

II MGA CRONICA 20:4-9

II MGA CRONICA 20:4-9 ABTAG01

Kaya't ang Juda'y nagtipun-tipon upang humingi ng tulong sa PANGINOON; mula sa lahat ng bayan ng Juda ay dumating sila upang hanapin ang PANGINOON. Si Jehoshafat ay tumayo sa kapulungan ng Juda at Jerusalem, sa bahay ng PANGINOON, sa harapan ng bagong bulwagan, at kanyang sinabi, “O PANGINOON, Diyos ng aming mga ninuno, di ba ikaw ay Diyos sa langit? Di ba ikaw ay namumuno sa lahat ng kaharian ng mga bansa? Sa iyong kamay ay kapangyarihan at lakas, anupa't walang makakaharap sa iyo. Hindi ba't ikaw, O aming Diyos, ang nagpalayas sa mga naninirahan sa lupaing ito sa harapan ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailanman? Sila'y nanirahan doon at ipinagtayo ka ng santuwaryo para sa iyong pangalan, na sinasabi, ‘Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak, kahatulan, salot, o taggutom, kami ay tatayo sa harapan ng bahay na ito at sa iyong harapan, sapagkat ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito; at kami ay dadaing sa iyo sa aming kahirapan, at ikaw ay makikinig at magliligtas?’

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa II MGA CRONICA 20:4-9