Si Jehoshafat na kanyang anak ay nagharing kapalit niya at pinalakas ang kanyang sarili laban sa Israel. Naglagay siya ng mga kawal sa lahat ng mga lunsod na may kuta sa Juda, at naglagay ng mga tanggulan sa lupain ng Juda, at sa mga lunsod ng Efraim na sinakop ni Asa na kanyang ama. Ang PANGINOON ay kasama ni Jehoshafat, sapagkat siya'y lumakad sa mga unang lakad ng kanyang ama at hindi niya hinanap ang mga Baal; kundi hinanap ang Diyos ng kanyang ama at lumakad sa kanyang mga utos, at hindi ayon sa mga gawa ng Israel. Kaya't pinatatag ng PANGINOON ang kaharian sa kanyang kamay. Ang buong Juda ay nagdala kay Jehoshafat ng mga kaloob at siya'y nagkaroon ng malaking kayamanan at karangalan. Ang kanyang puso ay matapang sa mga pamamaraan ng PANGINOON; at bukod dito'y inalis niya ang matataas na dako at ang mga sagradong poste sa Juda.
Basahin II MGA CRONICA 17
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: II MGA CRONICA 17:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas