Pinapakiusapan kitang manatili sa Efeso gaya noong patungo ako sa Macedonia, na iyong atasan ang ilang tao na huwag magturo ng ibang aral, ni huwag bigyang-pansin ang mga alamat at walang katapusang talaan ng lahi, na nagiging sanhi ng mga haka-haka sa halip ng pagsasanay na mula sa Diyos na nakikilala sa pamamagitan ng pananampalataya. Subalit ang layunin ng aming tagubilin ay pag-ibig na nagmumula sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi pakunwari. Ang ilan ay lumihis mula rito at bumaling sa walang kabuluhang pag-uusap, na nagnanais na maging mga guro ng kautusan, gayong hindi nila nauunawaan ang kanilang sinasabi, maging ang mga bagay na kanilang buong tiwalang pinaninindigan.
Basahin I TIMOTEO 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I TIMOTEO 1:3-7
13 Araw
Ang unang liham kay Timoteo ay nagbibigay ng praktikal na mga indikasyon na ang isang tao ay nabago ng mga tunay na palatandaan ng kabanalan ng ebanghelyo. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Timoteo habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas