Nang si Saul ay bumalik mula sa paghabol sa mga Filisteo, sinabi sa kanya, “Si David ay nasa ilang ng En-gedi.” Nang magkagayo'y kumuha si Saul ng tatlong libong piling lalaki sa buong Israel, at naglakbay upang tugisin si David at ang kanyang mga tauhan sa harapan ng Batuhan ng Maiilap na Kambing. Siya'y dumating sa mga kulungan ng kawan sa daan na kinaroroonan ng isang yungib; at pumasok si Saul upang dumumi. Samantala, si David at ang kanyang mga tauhan ay nakaupo sa kaloob-loobang bahagi ng yungib. At sinabi ng mga tauhan ni David sa kanya, “Narito ang araw na sinabi ng PANGINOON sa iyo, ‘Aking ibibigay ang iyong kaaway sa iyong kamay, at iyong gagawin sa kanya kung ano ang gusto mo.’” Nang magkagayo'y tumindig si David at lihim na pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul. Pagkatapos, nagdamdam ang puso ni David sapagkat kanyang pinutol ang laylayan ng balabal ni Saul. At sinabi niya sa kanyang mga tauhan, “Huwag ipahintulot ng PANGINOON na ako'y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon na binuhusan ng langis ng PANGINOON, na aking saktan siya ng aking kamay gayong siya ang binuhusan ng langis ng PANGINOON.” Kaya't nahikayat ni David ang kanyang mga tauhan sa pamamagitan ng mga salitang ito, at hindi niya pinahintulutan sila na salakayin si Saul. Pagkatapos ay tumindig si Saul, lumabas sa yungib at nagpatuloy sa kanyang lakad.
Basahin I SAMUEL 24
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I SAMUEL 24:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas