Katapus-tapusan, magkaisa kayong lahat sa pag-iisip, maging madamayin, mapagmahal sa mga kapatid, mababait at may mapagpakumbabang pag-iisip. Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama, o ng pag-alipusta ang pag-alipusta, kundi ng pagpapala; sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, upang kayo'y magmana ng pagpapala. Sapagkat, “Ang nagmamahal sa buhay, at nais makakita ng mabubuting araw, ay magpigil ng kanyang dila sa masama, at ang kanyang mga labi ay huwag magsalita ng daya, lumayo siya sa masama at gumawa ng kabutihan; hanapin niya ang kapayapaan, at ito'y lakaran. Sapagkat ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, at ang kanyang mga tainga ay bukas sa kanilang mga panalangin. Ngunit ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga gumagawa ng masama.”
Basahin I PEDRO 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I PEDRO 3:8-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas