tulad ng mga batong buháy, hayaan ninyong kayo ay maitayo bilang espirituwal na bahay tungo sa banal na pagkapari, upang mag-alay ng mga espirituwal na handog na kasiya-siya sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Sapagkat ito ang isinasaad ng kasulatan: “Tingnan ninyo, aking inilalagay sa Zion ang isang bato, isang batong panulok na pinili at mahalaga; at sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” Kaya't sa inyo na nananampalataya, siya'y mahalaga; subalit sa mga hindi nananampalataya, “Ang batong itinakuwil ng mga tagapagtayo ng bahay ay siyang naging puno ng panulok,” at, “Isang batong nagpapatisod sa kanila, at malaking bato na nagpabagsak sa kanila.” Sila'y natitisod dahil sa pagsuway sa salita, na dito naman sila itinalaga. Ngunit kayo'y isang lahing pinili, isang maharlikang pagkapari, isang bansang banal, sambayanang pag-aari ng Diyos, upang inyong ipahayag ang mga makapangyarihang gawa niya na tumawag sa inyo mula sa kadiliman, tungo sa kanyang kagila-gilalas na liwanag. Noon ay hindi kayo bayan, ngunit ngayo'y bayan kayo ng Diyos; noon ay hindi kayo tumanggap ng habag, ngunit ngayo'y tumanggap kayo ng habag. Mga minamahal, ipinapakiusap ko sa inyo bilang mga dayuhan at ipinatapon, na kayo'y umiwas sa mga pagnanasa ng laman na nakikipaglaban sa kaluluwa. Maging marangal ang inyong pag-uugali sa gitna ng mga Hentil upang kung magsalita sila laban sa inyo na parang kayo'y gumagawa ng kasamaan, ay makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng pagdalaw.
Basahin I PEDRO 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I PEDRO 2:5-12
6 Days
What is truth? Culture is buying the lie that truth is a river, ebbing and flowing with the passage of time. But truth is not a river—it is a rock. And in a raging sea of opinions, this plan will help anchor your soul—giving you a clear sense of direction in a wandering world.
7 Mga araw
7-day Reading Plan Patungkol sa Dayuhan Tayo Sa Mundo
8 Mga araw
Taun-taon, ginugunita ng buong mundo ang buhay, kamatayan, at muling pagkabuhay ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo—ang pinakamahalagang katotohanan. Sama-sama nating gunitain ang pagnanais ng Diyos na magkaroon ng malapit na ugnayan sa atin na binigyang katuparan ng Kanyang Anak na si Jesus.
15 Araw
Kung nagdurusa ka para kay Jesus, ang unang liham na ito mula kay Pedro ay hinihikayat ka na sumusunod ka sa mga yapak ni Jesus, na unang nagdusa para sa atin. Araw-araw na paglalakbay sa 1 Pedro habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas