Subalit mayroong magtatanong, “Paano muling bubuhayin ang mga patay? Sa anong uri ng katawan sila darating?” Ikaw na hangal! Ang iyong inihahasik ay hindi nabubuhay malibang ito ay mamatay. At ang iyong inihasik ay hindi ang siya na ngang naging katawan, kundi ang binhi lamang, marahil ay sa trigo, o ilan sa ibang mga butil. Subalit ang Diyos ang nagbibigay dito ng katawan ayon sa kanyang nais, at sa bawat uri ng binhi ay ang sariling katawan nito. Hindi lahat ng laman ay magkatulad, subalit may isang uri para sa mga tao, at ibang laman para sa mga hayop, ibang laman para sa mga ibon, at ibang laman para sa mga isda.
Basahin I MGA TAGA-CORINTO 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I MGA TAGA-CORINTO 15:35-39
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas