Ngayon, mga kapatid, ipinaaalala ko sa inyo ang magandang balita na ipinangaral ko sa inyo, na inyo nang tinanggap, na siya naman ninyong pinaninindigan, na sa pamamagitan nito kayo ay ligtas, kung matatag ninyo itong panghahawakan—malibang kayo'y sumampalataya nang walang kabuluhan. Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin ding tinanggap: na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, at siya'y inilibing; at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan, at siya'y nagpakita kay Cefas, at pagkatapos ay sa labindalawa.
Basahin I MGA TAGA-CORINTO 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: I MGA TAGA-CORINTO 15:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas