At tinipon niya ang labingdalawa, at binigyan sila ng kapangyarihan at kapamahalaan sa lahat ng mga demonio, at upang magpagaling ng mga sakit. At sila'y sinugo niya upang ipangaral ang kaharian ng Dios, at magpagaling ng mga may sakit. At sinabi niya sa kanila, Huwag kayong mangagdala ng anoman sa inyong paglalakad, kahit tungkod, kahit supot ng ulam, kahit tinapay, kahit salapi; at kahit magkaroon ng dalawang tunika. At sa anomang bahay na inyong pasukin, doon kayo mangatira, at buhat doo'y magsialis kayo. At ang lahat na di magsitanggap sa inyo sa bayang yaon, ay ipagpag ninyo ang alabok sa inyong mga paa, na pinaka patotoo laban sa kanila. At sila'y nagsialis, at nagsiparoon sa lahat ng mga nayon, na ipinangangaral ang evangelio, at nagpapagaling saa't saan man. Nabalitaan nga ni Herodes na tetrarka ang lahat na ginawa; at siya'y totoong natitilihan, sapagka't sinasabi ng ilan, na si Juan ay muling ibinangon sa mga patay; At ng ilan, na si Elias ay lumitaw; at ng mga iba, na isa sa mga datihang propeta ay muling ibinangon. At sinabi ni Herodes, Pinugutan ko ng ulo si Juan: datapuwa't sino nga ito, na tungkol sa kaniya'y nababalitaan ko ang gayong bagay? At pinagsisikapan niyang siya'y makita.
Basahin Lucas 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Lucas 9:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas