Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 38:1-7

Job 38:1-7 TLAB

Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman? Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin. Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya