Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Esther 4:12-17

Esther 4:12-17 TLAB

At isinaysay nila kay Mardocheo ang mga salita ni Esther. Nang magkagayo'y pinapagbalik ng sagot sila ni Mardocheo kay Esther: Huwag mong isipin sa iyong sarili na ikaw ay makatatanan sa bahay ng hari, ng higit kay sa lahat na mga Judio. Sapagka't kung ikaw ay lubos na tumahimik sa panahong ito, ay magtataglay nga ng katiwasayan at kaligtasan ang mga Judio sa ibang dako, nguni't ikaw at ang sangbahayan ng iyong magulang ay mapapahamak: at sinong nakakaalam na kung kaya ka pinasapit sa kaharian ay dahil sa bagay na ito? Nang magkagayo'y nagpabalik ng sagot si Esther kay Mardocheo: Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay. Sa gayo'y yumaon si Mardocheo at ginawa ang ayon sa lahat na iniutos ni Esther sa kaniya.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Esther 4:12-17