Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 14:28-30

Lucas 14:28-30 MBB05

“Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo? Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya'y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. Sasabihin nila, ‘Ang taong ito'y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.’

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Lucas 14:28-30