Pagkatapos nito, sumagot ang Diyos kay Job sa pamamagitan ng malakas na bagyo, “Sino kang mag-aalinlangan sa aking kaalaman? Lalo lamang lumilitaw ang iyong kamangmangan. Tumayo ka riyan at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi. Nasaan ka nang likhain ko ang mundo? Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo. Sino ang nagpasya tungkol sa lawak nito? Sino ang sumukat, alam mo ba ito? Sino ang may hawak ng mga haligi ng mundo? Sino ang naglagay ng mga panulukang-bato? Noong umagang iyon, ang mga bitui'y nag-awitan, at mga nilalang sa langit, sa tuwa'y nagsigawan. “Sino ang humarang sa agos ng dagat, nang mula sa kalaliman ito'y sumambulat? Tinakpan ko ang dagat ng ulap na makapal, at binalutan ito ng kadiliman. Ang dagat ay nilagyan ko ng hangganan, upang ito'y manatili sa likod ng mga harang. Sinabi kong sila'y hanggang doon na lang, at huwag lalampas ang alon na naglalakihan.
Basahin Job 38
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 38:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas