Kung walang kakulangan ang unang tipan, hindi na sana nangailangan pa ng pangalawa. Ngunit nakita ng Diyos ang pagkukulang ng kanyang bayan, kaya't sinabi niya, “Darating ang mga araw, sabi ng Panginoon, na gagawa ako ng bagong kasunduan sa Israel at sa Juda. Hindi tulad ng kasunduang ginawa ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto. Sapagkat hindi sila naging tapat sa pakikipagtipan sa akin, kaya't sila'y aking pinabayaan. Ganito ang gagawin kong kasunduan sa bayan ng Israel pagdating ng panahon, sabi ng Panginoon: Itatanim ko sa kanilang pag-iisip ang aking mga utos; isusulat ko ito sa kanilang puso. Ako ang kanilang magiging Diyos, at sila ang aking magiging bayan. Hindi na kailangang turuan ang isa't isa at sabihing, ‘Kilalanin mo ang Panginoon.’ Sapagkat ako'y makikilala nilang lahat, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila. Sapagkat patatawarin ko sila sa kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.” Nang sabihin ng Diyos ang tungkol sa bagong kasunduan, pinawalang-bisa na niya ang una. At anumang pinapawalang-bisa at naluluma ay malapit nang mawala.
Basahin Mga Hebreo 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Hebreo 8:7-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas