Kasang-ayon si Saulo sa pagkapatay kay Esteban. Nang araw na iyon, nagsimula ang mahigpit na pag-uusig laban sa iglesya sa Jerusalem; at maliban sa mga apostol, ang lahat ng sumasampalataya ay napunta sa iba't ibang lugar sa lupain ng Judea at Samaria. Si Esteban nama'y inilibing ng mga taong may takot sa Diyos at tinangisan nang gayon na lamang. Samantala, sinikap ni Saulo na wasakin ang iglesya; pinapasok niya ang mga bahay-bahay at ang mga mananampalataya ay kanyang kinakaladkad at ibinibilanggo, maging lalaki man o babae. Dahil dito, nagkahiwa-hiwalay ang mga mananampalataya sa iba't ibang lugar, ngunit saanman sila makarating ay ipinapangaral nila ang salita. Nagpunta si Felipe sa lunsod ng Samaria at ipinahayag doon ang Cristo. Nang mapakinggan ng mga tao si Felipe at makita ang mga himalang ginagawa niya, inisip nilang mabuti ang kanyang sinasabi. Ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong sinasapian ng mga ito at sumisigaw habang lumalabas. Maraming lumpo at pilay ang napagaling kaya't nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na iyon.
Basahin Mga Gawa 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Gawa 8:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas