Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Taga-Corinto 7:3-5

1 Mga Taga-Corinto 7:3-5 MBB05

Dapat tuparin ng lalaki ang tungkulin niya sa kanyang asawa, at gayundin naman ang babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Huwag ninyong ipagkakait ang inyong sarili sa isa't isa, malibang pagkasunduan ninyong huwag munang magsiping upang maiukol ninyo ang panahon sa pananalangin. Ngunit pagkatapos, magsiping na muli kayo upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa hindi na kayo makapagpigil.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa 1 Mga Taga-Corinto 7:3-5