At sinabi sa akin ng anghel na sabihin ko itong mga sinabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Totoong nagmamalasakit ako sa Jerusalem na tinatawag ding Zion, pero matindi ang galit ko sa mga bansang nagpapasarap sa buhay. Hindi ako gaanong galit sa kanila noon, ngunit sila na rin ang nagpaningas ng aking galit sa kanila. Kaya babalik akong may awa sa Jerusalem, at itatayo kong muli ang lungsod na ito pati na ang aking templo.” Sinabi ng anghel na sabihin ko pa itong ipinapasabi ng Makapangyarihang PANGINOON: “Uunlad muli ang aking mga bayan sa Juda. At aaliwin kong muli ang Zion, ang lungsod ng Jerusalem, at muli ko itong ituturing na hinirang kong bayan.”
Basahin Zacarias 1
Makinig sa Zacarias 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Zacarias 1:14-17
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas