Pagkatapos, nakakita ako ng maputing ulap na may nakaupong parang tao. May gintong korona siya at may hawak na isang matalim na karit. At may isa pang anghel na lumabas mula sa templo at sumigaw sa nakaupo sa ulap, “Gamitin mo na ang karit mo, dahil panahon na ito ng pag-aani. Hinog na ang aanihin sa lupa!” Kaya ginapas na ng nakaupo sa ulap ang aanihin sa lupa. Nakita ko ang isa pang anghel na lumabas sa templo roon sa langit, at may karit din siyang matalim. At mula sa altar ay lumabas ang isa pang anghel. Siya ang anghel na namamahala sa apoy doon sa altar. Sumigaw siya sa anghel na may matalim na karit, “Gamitin mo na ang karit mo at anihin mo na ang mga ubas sa lupa dahil hinog na!” Kaya inani niya ito at inilagay doon sa malaking pisaan ng ubas. Ang pisaang iyon ay ang parusa ng Dios. Pinisa ang mga ubas sa labas ng lungsod, at umagos mula sa pisaan ang dugo na bumaha ng hanggang 300 kilometro ang layo at isang dipa ang lalim.
Basahin Pahayag 14
Makinig sa Pahayag 14
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Pahayag 14:14-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas