Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 86:11-17

Salmo 86:11-17 ASD

PANGINOON, ituro nʼyo sa akin ang inyong pamamaraan, at susundin ko ito nang may katapatan. Bigyan nʼyo ako ng pusong may takot sa inyo. Panginoon kong Diyos, buong puso ko kayong pasasalamatan. Pupurihin ko ang inyong pangalan magpakailanman. Sapagkat ang inyong pag-ibig sa akin ay dakila. Iniligtas nʼyo ako mula sa kamatayan. O Diyos, sinasalakay ako ng mga mayayabang gusto akong patayin ng mga walang awa. Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo. Ngunit kayo, Panginoon, ay Diyos na nagmamalasakit at mahabagin. Wagas ang pag-ibig nʼyo, at hindi kayo madaling magalit. Bigyang-pansin nʼyo ako at kahabagan; bigyan nʼyo ako ng inyong kalakasan at iligtas ako na inyong lingkod. Ipakita sa akin ang tanda ng inyong kabutihan, upang makita ito ng aking mga kaaway at nang silaʼy mapahiya. Dahil kayo, PANGINOON, ang tumutulong at umaaliw sa akin.