Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 27:7-14

Salmo 27:7-14 ASND

Dinggin nʼyo PANGINOON ang aking pagtawag. Kahabagan nʼyo ako at sagutin ang aking dalangin. PANGINOON, hinipo nʼyo ang aking puso na lumapit sa inyo, kaya narito ako, lumalapit sa inyo. Huwag nʼyo po akong pagtaguan! Ako na alipin nʼyo ay huwag nʼyong itakwil dahil sa inyong galit. Kayo na laging tumutulong sa akin, huwag nʼyo akong iwanan at pabayaan, O Dios na aking Tagapagligtas. Iwanan man ako ng aking mga magulang, kayo naman, PANGINOON, ang mag-aalaga sa akin. Ituro nʼyo sa akin ang daang gusto nʼyong lakaran ko. Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan, dahil sa mga kaaway ko na gusto akong gawan ng masama. Huwag nʼyo akong ibigay sa aking mga kaaway, dahil akoʼy kanilang pinagbibintangan ng kasinungalingan, at nais nilang akoʼy saktan. Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, PANGINOON, habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo. Magtiwala kayo sa PANGINOON! Magpakatatag kayo at huwag mawalan ng pag-asa. Magtiwala lamang kayo sa PANGINOON!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 27:7-14