Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 10:12-18

Salmo 10:12-18 ASND

Sige na PANGINOONG Dios, parusahan nʼyo na po ang mga taong masama. Huwag nʼyong pababayaan ang mga inaapi. O Dios, bakit nilalait kayo ng mga taong masama? Sinasabi pa nila, “Hindi tayo parurusahan ng Dios.” Ngunit nakikita nʼyo, O Dios, ang mga taong nagdurusa at naghihirap. Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa tulad ng mga ulila, at nakahanda kayong tumulong sa kanila. Alisan nʼyo ng lakas ang mga taong masama, at parusahan nʼyo sila hanggang sa silaʼy tumigil na sa paggawa ng masama. PANGINOON, kayo ay Hari magpakailanman! At ang masasamang tao ay maglalaho sa mundo. PANGINOON, narinig nʼyo ang dalangin ng mga mahihirap. Pakinggan nʼyo po sila at palakasin. Bigyan nʼyo ng katarungan ang mga ulila at mga api, upang wala ng mga taong mananakot ng kapwa, dahil silaʼy tao rin lang.