Nang gabing iyon, humagulgol ang lahat ng mamamayan. Nagreklamo sila kina Moises at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pang namatay na lang tayo sa Egipto o rito sa disyerto. Bakit pa ba tayo dadalhin ng PANGINOON sa lupaing iyon? Para lang ba mamatay tayo sa labanan at bihagin ang ating mga asawaʼt anak? Mabuti pa sigurong bumalik na lang tayo sa Egipto.” At nag-usap-usap sila, “Pumili tayo ng pinuno at bumalik sa Egipto!” Pagkatapos, nagpatirapa sina Moises at Aaron sa harapan ng lahat ng mamamayan ng Israel na nagkakatipon doon.
Basahin Bilang 14
Makinig sa Bilang 14
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Bilang 14:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas