Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 2:23-28

Marcos 2:23-28 ASD

Isang Araw ng Pamamahinga, habang dumadaan sina Hesus sa isang triguhan, namitas ng trigo ang mga alagad niya upang kutkutin. Kaya sinabi sa kanya ng mga Pariseo, “Tingnan mo ang mga alagad mo! Bakit sila gumagawa ng ipinagbabawal sa Araw ng Pamamahinga?” Sumagot si Hesus, “Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan ang ginawa ni David nang magutom siya at ang mga kasamahan niya, at wala silang makain? Pumasok si David sa bahay ng Diyos noong si Abiatar ang punong pari. Kumain si David ng tinapay na inihandog sa Diyos, kahit na ang mga pari lamang ang nararapat na kumain niyon, at binigyan pa niya ang kanyang mga kasamahan.” At sinabi pa ni Hesus sa kanila, “Nilikha ang Araw ng Pamamahinga para sa tao. Hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. Kaya ang Anak ng Tao ang Panginoon maging ng Araw ng Pamamahinga.”